top of page
Search

Sa Aking Pag-iisa 

  • lifeviews21
  • Jun 10, 2019
  • 1 min read

Para sa mga pusong sawi at patuloy pa ring umaasa. (By: Eam Niala) Sa aking pag iisa laging kong naaalala Yong mga panahon na tayo pa lang dalawa Yong tayo lang at walang kayo Yong ako lang at walang siya Nong mga panahon na itinuturing mo pa akong prinsesa At binubusog mo ako sa iyong pag-aalaga Nong mahal mo pa ako at mahal din kita Di ba Kay saya ng ating pagsinta? Bakit ngayon wala na? Wala na ang pagmamahalan na pinagsaluhan nating dalawa Wala na ang tamis ng pag-iibigan Wala ng ako at ikaw, ako na lang Nakakalungkot isiping tapos na ang lahat Nakakalungkot na ang tayo ay isang alaala nalang Alaala ng kahapong akala ko ay magpakailanman Alaalang nagwakas man pero mananatili at hinding-hindi nakakalimutan Sana masaya ka sa piling niya Sana makalimutan na rin kita Sana sa aking pag-iisa hindi na ikaw ang maaalala Sana dumating ang "siya" nasa akin ay muling magpapasigla

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Life Views. Proudly created with Wix.com

bottom of page