GADGETS AND SOCIAL MEDIA
- lifeviews21
- Apr 9, 2019
- 1 min read
PAALALA SA MGA MAGULANG
Sa panahon ngayon kahit yong mga nasa murang gulang pa nating mga anak ay may mga GADGETS na at kahit menor de edad pa ay aktibo na sa SOCIAL MEDIA.
Wala namang masama sapagkat madami din naman silang matutunang maganda bukod sa masisiyahan sila yon naman talaga yong hangad natin kung bakit natin sila binibilhan ng mga gadgets para sa pag-aaral nila at para makontak natin sila kahit saan man tayo sa mundo.
Pero dapat lagi natin silang masubaybayan kung paano nila ginamit ito at kung ano ang pinaggagawa nila.Higit sa lahat dapat turuan silang maging responsable sa paggamit dapat may limitations at restrictions kasi napaka maimpluwensiya nito baka di mo lang namamalayan kung anu-ano na yong pinapanood ng anak mo at tatak yan sa utak nila bukod sa may masamang epekto din ang radiation.
Malaki din naman ang tulong nito sa kanilang pag-aaral basta ba marunong lang sila sumunod ng mga guidelines,na kung hindi angkop sa edad nila huwag basahin o panoorin at higit sa lahat dapat alam nila hanggang anong oras lang o ilang oras lang ang paggamit di yong magpupuyat kakalaro hanggang mapabayaan na ang kanilang mga obligasyon sa bahay at sa paaralan o bilang anak at estudyante.
Comments