Lumayo Ako pero Muling Magbabalik
- lifeviews21
- Apr 20, 2019
- 1 min read
Lumayo ako para sa mga pangarap ko at kinabukasan
Lumayo ako para makaahon sa kahirapan
Lumayo ako para kumita ng malaki para sa aking pamilya at sa bayan
Lumayo ako para ipakita sa lahat na kaya ko at kakayanin
Kaya kong magtiis at magtiyaga
Kaya kong magbanat ng buto
Kaya ko ang pangungulila at pagod
Kaya ko lahat ng pagsubok
Oo,mahirap man pero kakayanin ko
Oo,malungkot man ang mag isa pero titiisin ko
Oo,sobrang nakakapagod pero magtitiyaga ako
Oo,nakakapanghina minsan pero patuloy na lumalaban
At babalik akong taas noo
Babalik akong matatag
Babalik akong may ngiti sa mga labi
Babalik akong abot-kamay ang mga pangarap
Pangarap na magkabahay
Pangarap na magkanegosyo
Pangarap na magiging maayos ang lahat
Pangarap na hindi na muli pang maghihirap
Magtatagumpay ako
dahil determinado ako
Magtatagumpay ako dahil yan ang pangako ko
Magtatagumpay ako dahil may tiwala ako sa sarili ko
Magtatagumpay ako higit sa lahat dahil nanalig ako sa kanya,sa Diyos Amang nasa langit.
Sa kanya na may likha ng lahat
Sa kanya na sa akin ay nagbibigay ng lakas
Sa kanya kung saan ako ay nagmula
Sa kanya na di kailanman ako iniwan
Salamat ama sa pagpapala
Salamat nasa aking paglayo,ako'y iyong inalalayan.
Salamat at nandyan ka palagi sa kahit ng laban ko sa buhay
Salamat sa lahat-lahat ng biyaya at pagpapatnubay
Lumayo ako pero muling magbabalik
Muling magbabalik para sa aking pamilya
Muling magbabalik para sa aking mga kaibigan
At muling magbabalik para sa aking bayan
Comments