Sawa na Ako sa mga Pangako nilang Madalas Napapako.
- lifeviews21
- Apr 9, 2019
- 1 min read
Ganito lagi kada halalan nagkalat mga mukha ng iba't ibang kandidatong nagpapaligsahan makamit lang ang parang gintong boto ng mga mamamayan.
Iba't ibang nakasulat maka-Tao,maka-Diyos o maka-bayan meron pang "taong maaasahan at madaling malapitan" pero tapos ng Election di mo na mahagilap kahit saan.
Maraming pangako,di sila nauubusan pero pagnanalo na lahat ay nakalimutan,ang masama pa eh pati pera ng kaban ng bayan ay pinakikialaman maibalik lang sa bulsa nila yong perang nagastos panahon ng kampanya at botohan.
Kawawang mamamayan binigyan lang ng piso para sila ay manalo pagkatapos makuha ang gusto nanakawan naman ng sampu,ginagawa lang tayong negosyo.
Sana naman matuto na tayo,huwag na huwag ibenta ang malaginto ninyong boto sa kakarampot na halaga na kaya n'yo namang kitain kung magsisikap lang kayo.
Piliing mabuti kung sino ang mas
karapat-dapat,matutong magmasid at makiramdam.Huwag hayaang linlangin dahil ang boto mo ay para sa bayan na siyang tahanan nating lahat at ng buo mong angkan.
Comments